Ang "MAYNILA" [MANILA] ay galing sa katagang "may nila". Ang nila ay isang uri ng halaman na dating marami sa pampang ng Manila Bay.
Narito pa ang isang gintong puluhan ng Dating Panahon. Ang deskripsyon sa Metropolitan Museum ng Bangko Sentral ng Pilipinas:
MGA HAWAKAN NG BALARAW
Dalawang hawakan ng pang-seremonyang balaraw, na minodelo sa estilisadong ibong mitiko, na mahaba ang tuka at napapaligiran ng apoy. Marahil ninuno ng sarimanok, simbolo ng maharlikang Maranaw sa Lanao, Mindanaw. Butuanon, ika-10 hanggang ika-13 dantaon.
Ang litrato ay galing sa Bulawan 14 (Journal of Philippine Arts & Culture).
Summary: The gold hilt of this 10th to 13th century Philippine gold dagger was found in northeast Mindanao (Butuan). It was styled after a mythical bird. The design can be the predecessor of the Maranaw sarimanok.
Ang caption sa Ayala Museum ng puluhan:
[GOLD] HILT: Northeastern Mindanao; Ca. [circa] 10th - 13th century; 10.5 x 10.5 cm; 64.4 grams
Sana ay mas marami pang tao ang makarating sa Ayala Museum, para makita ang yaman at galing ng mga Pilipino, kahit pa man noong Dating Panahon.
Nakalarawan ang mga gintong punyal na maaaring mula sa silangan-hilagang Mindanao (10th to 13th century?). Ang larawan ay hango sa aklat na Consuming Passions: Philippine Collectibles (2003), ni Jaime Laya.
Ganito siguro ang nakita ni Antonio Pigafetta noong 1521 na sukbit ni Raja Kalambu ng Butuan:
Sinasabi sa aklat ni Laya na ang mga punyal ay pag-aari ni Tony & Ces Gutierrez."And he [Raja Calambu, of what is now Agusan del Norte province in Mindanao island] was the most handsome person we saw among those peoples. He had very black hair to his shoulders, with a silk cloth on his head, and two large gold rings hanging from his ears. He wore a cotton cloth, embroidered with silk, which covered him from his waist to his knees. At his side he had a dagger, with a long handle, and all of gold, the sheath of which was of carved wood. Withal he wore on his person perfumes of storax and benzoin. He was tawny and painted all over ["pintado", i.e., tattooed all over]. His island is called Butuan and Calaghan."
Ang "logo" ng Filhistory sa Facebook ay si Hadji Abdullah ng Jolo, Sulu.
Ang caption ng litrato ayon sa Morolandhistory.com:
"The indomitable Hadji Abdullah of Jolo with pearl-handled revolver and .30-40 Krag gifted by [William Howard] Taft".
Mayroon ding siyang sukbit na junggayan na kris (o kalis), na may puluhang hugis kakatua, na gawa sa marpil o garing (ivory).
Palagiang bisitahin din ang Filhistory sa Facebook!
Ang larawang ito ay mula sa isang post card na tanyag sa Pilipinas noong circa 1910.
Ang mga nakikita dito ay: kris (o kalis o sundang), kris, kris, kris, kampilan, kris, barung (o barong), barung, barung, at pira.
Sa Morolandhistory.com ay sinanabi na ang mga ito ay "[US] army collection".
Recent Comments